Pebrero
na, kaibigan,
at
may mga paslit pa ring
nangangalkal
ng basurahan,
naghahagilap
ng
kahit anong
pampakalma
sa tiyan.
May
inaagawan pa rin tahanan.
May
inosenteng natatagpuang patay,
habang
ang katarungan
nasa
kung saan pa ring taguan.
Nasa
tokador pa rin marahil
ng
mayayaman.
Marami
pa ring
pinagkakaitan
ng karapatan.
Pebrero
na, kaibigan.
Ito
ba ang sinasabi mong
buwan
ng
pagmamahalan?
2/12/17
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento