Marahil,
iisa lamang ang kanilang pangarap
ang
mahigitan ang mga ulap
o
masaling ang kalawakan.
Ipagkakait
ng kanilang paligsahan
ang
hiwaga ng dapithapo’t bukang-liwayway,
ililihim
ang pinagmumulan
ng
makapangyarihang ulan,
papaslangin
ang rikit
ng
bahaghari’t mga bituin
at
itataboy ang patnubay
ng
nagmamalasakit na buwan.
Walang
magtatagumpay
sa
walang hanggan nilang paligsahan.
Ngunit
malinaw, sa malapit nang bukas
sa
atin ang mga matang mapanglaw
na
mag-aapuhap ng kalangitan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento