Gising
ka
nang
magsagutan ng tilaok
ang
mga manok
nasa
tabing-pinto
mainit
ang yakap ng tasa
sa
mga palad
hinahanap
ang sarili
sa
mabagal na paglalayag
ng
mga ulap.
Ayaw
kang patahimikin
ng
prusisyon ng mga gunita
ramdam
na ramdam mo ang hiwa
ng
ipinukol niyang mga salita.
Unang
araw ng Pebrero.
Malamig.
Malakas
ang paniniwala mong
totoo
ang langit.
May
bukas na darating.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento