Inihahatid natin sa huling hantungan
nang
naglalakad
ang
taong ating mahal na mahal
isa
itong sining
isa
itong ritwal.
Sa
paglisan mo
naglakad
ako
nakabuntot
sa karo
nakayuko
dinarama
ang malulungkot na awit
sinasalubong
ang alikabok
tinitiis
ang init
hindi
ito basta isang ritwal
hindi
basta isang sining.
Gusto
kong sanayin ang sarili
sa
malalim na pangungulila
at
matinding sakit
sa
pamamagitan
ng
ganito kamunting pagtitiis.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento