“Tanga, boyfriend ko ‘yon! Magkaiba ang syota saka
boyfriend. Pag boyfriend, gusto mong mapangasawa ‘yon. Pag syota, pastime
lang. Kaya nga ‘syota’ e. Short time,” pinakanatandaan
ni Robert sa kaklase niyang sa Precy.
Isang Biyernes, bago siya umuwi, galing
call center, dumaan siya sa National Book Store. Bibili siya ng sign pen. Sa
pen section, isang babae ang nagti-test ng sign pen sa scratch paper.
Nakatagilid ito sa kanya. Pero sa ayos ng buhok nito, sa hugis ng mukha, sa
laki ng braso, si Presing-si Precy ito.
“Precy,” halos bulong lang, baka
kasi mamaya, hindi pala ito si Precy— mapahiya pa siya.
Tumingin sa kanya ang babae.
“Obet!” halos mapatalon ito.
“Ano’ng ginagawa mo rito?”
“Nagkita kasi kami ng syota ko.”
Natahimik siya. “Syota?” Di ba’t
ayaw ni Precy sa salitang ‘yon?
Tumingin si Precy sa likod niya.
“Classmate ko no’ng college.”
Lumingon siya. Nakaharap sa kanya
ang isang matabang babae, makinis, mukhang mayaman, gupit-lalaki.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento