Hindi
gaya mo, hindi ako masyadong nasasabik
sa
unang ulan ng Mayo
kung nasa probinsiya ako’t bumuhos ito
hindi
ako nagagaya sa mga nagsasahod ng planggana
sa
halip, uupo lang ako sa tabing bintana
pakikinggan
ang sa umpisa’y madalang ngunit malalaking patak na ulan
mga bignay na nalalaglag sa bubungan.
Hindi
naman ako takot sa alimuom o sa asidong ulan
payak lang talaga ang ganda sa akin ng unang ulan ng Mayo
gaya
ng Tatlong Maria, ng kabilugan ng buwan
ng
bukang-liwayway.
Sapagkat itong unang ulan ng Mayo
lumilitaw
lang pag wala na halos lakas
lulupiging
tag-araw.
Mas iniibig ko ang ulan sa kalagitnaan ng Abril
tulad ng Halleys comet, ng dapit-hapon
ng Aurora Borealis.
ng Aurora Borealis.
Sapagkat itong ulan sa kalagitnaan ng Abril
dumarating
sa kasibulan ng tag-init
makikipagbuno,
makikipagpatatagan
susugal
hanggang sa huling patak ng ulan.
Mas
gusto ko itong ulan sa kalagitnaan ng Abril
dahil
sa mundo, ako, tulad mo, madalas
ulan
sa kalagitnaan ng Mayo.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento