Sa nayon, sa pagitan ng ga-tengang mga bato
sa
lupang sinasagasaan ng traktora't
tinatapakan ng mga kalabaw
tinatapakan ng mga kalabaw
dinuduraan
ng nagto-tong-its
iniihian
ng mga manginginom
ginugulungan
ng mga musmos
kusang tumubo ang mga luntiang palay.
kusang tumubo ang mga luntiang palay.
Sa
lungsod, kung minsan
sobra na'ng pagsisikap
paghaplos , panliligaw
ayaw
pa ring mangarap ng mga halaman.
Noon
pala, kahit saang lugar
basta
napakalakas ng likas na pag-ibig
sisibol
at sisibol ang anumang katibayan ng pagmamahal
sa
pinakamailap mang paraan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento